BLOGGER TEMPLATES AND Twitter Backgrounds »

Friday, August 21, 2009

Chapter Two: Is this really is it?

Nasa pangalawang taon na si Ria sa kursong Education. Kung sya ang papapiliin ay mas nanaisin nya na kunin ang fine arts. Mahilig kasi syang mag-drawing at pangarap nya na magkaroon ng sariling exhibit na tampok ang mga sariling gawa. Kaso tumutol ang mga magulang nya dahil totoo naman na wala syang kinabukasan sa naturang kurso. Kaya parang mapait na gamot ang kursong pagtuturo na pinipilit nyang iniinom. Nasa iisang unibersidad lang din pumapasok ang dalawang mag-kaaway. Pero hindi sa iisang kolehiyo. Engineering ang kinukuha ni Benjie. Iba kung trumato ito sa kanya kapag nagkakasalubong at nagkikita sila sa campus dahil umaarte itong hindi sila magkakilala. Napaka-isnabero nito. Minsan nga naisip nya na sana palagi na silang ganito.

“ Ria, samahan mo naman ako.” Pakiusap ng kaklase nya na si Joy. Kakatapos lang kasi ng klase nila.

“ Ano ba ito, Joy? Nakalimutan mo na ba na muntik tayong makulong dahil dyan sa kalokohan mo.” Tinutukoy nya ang nangyaring nakakatawa na nakakatakot sa kanila nang huling sumama sya sa kaibigan.

Sinamahan kasi nya si Joy na sundan ang tatay nito na pinaghihinalaang may kabit. Nasundan nila ito sa isang club na nagkataong i-ra-rade ng mga pulis dahil sa prostitusyon. Napagkamalan silang mga pok-pok ng mga pulis at muntik pang ikulong. Buti na lang at nagpakita ang tatay ni Joy na asset pala ng mga pulis.

“ Hindi Ria, sumali kasi ako sa G.O.D at kailangan kung makaimbita ng guest. Sige naman Ria sumama ka na, tungkol naman ito sa Dyos eh.” Pagpupumulit nito.

“ Natauhan ka rin ano? Ikaw naman kasi ang dali mong manghusga. Nagka-ayos na ba kayo ng tatay mo?” Usisa nya.

“ Parang ganun, sige na. Alam mo bang ikaw ang pang-25th na isasama ko kung saka-sakali. Hindi ka ba nahihiwagaan sa numerong 25. Kaarawan ni Jesus and it means dyos na ang lumalapit sa’yo.” Ingganyo nito na parang si Ria pa ang makasalanang tao.

“ Busy ako.” Maikli nyang tugon.

“ Bible study lang naman ito. Sige na.”

Silence means yes at napilit nga sya na sumama sa kaibigan. Sa isang bakanteng silid sa loob ng Engineering Building dumapo ang dalawa. Nadatnan nila ang mga makakasama sa nasabing Bible study. Nahahati ang buong silid sa iba’t ibang grupo na may iba’t ibang personalidad. Sa kabilang dulo kasi ng silid ay mukhang grupo ng mga nawawala sa landas ng buhay dahil parang kakatira lang ng mga ito ng droga. Sa harapan naman ay mga Punkista na halatang kulang sa pansin dahil sa suot na damit. Sa grupo naman nila ay mga ordinaryong estudyante lamang na pawang may mga kulo sa loob. Nakaupo sa gitna ang mga lider ng grupo. Tahimik lang si Ria na nagmamasid sa mga kasamahan.
Laking gulat ni Ria nang makita nya na pumasok sa loob si Benjie. Nagtaka sya kung ano ang ginagawa nito na may bit-bit pa na bibliya. ‘Wag nilang sabihin na kasali ito sa organisasyon? Napaka-pormal nito at bagay maging pastor. Hindi sya napansin ng binata dahil abala ito sa pagkukumusta sa mga bagong kasama. Wala din naman syang plano na kunin ang atensyon nito.

“ Sya si Kuya Benjamine, ang ating speaker for today. Gwapo no? “ Pagpapakilala ni Joy sa kaibigan.

Umugong sa apat na sulok ng silid ang malakas na halakhak ni Ria. Hindi nya napigilan ang sarili na tumawa ng ganito at kunin ang atensyon na hindi lang kay Benjie ay maging sa mga nasa loob. Hindi sya makapaniwala na isa pala sa mga lider ng pang-dyos na organisasyon si Benjie na kilala naman nya na masama at pala-away. Nagmistulang clown si Benjie sa paningin ni Ria. Hindi pa rin sya tumigil sa paghalakhak. Nabaling ng lahat ang paningin sa kanya. Nagmistula naman syang baliw sa mga mata nila. Nagulat si Benjie nang makita sya. Ngunit hindi ito nagpahalatang magkakilala sila. Kinurot sya ng kasama. Natigilan sya tuloy.

“Mahiya ka naman. Pinagtitinginan na tayo. Ano bang nangyayari sa’yo?” Pasita na bulong ni Joy.

Dahan-dahan syang napatingin sa lahat. Walang kurap-kurap na nakatitig pa rin sa kanya ang lahat. Napunta ang paningin nya kay Benjie. Walang ekspresyon ang mga titig nito sa kanya. Pinilit nya ang isang ngiti at agad syang nag-peace sign sa lahat.

“ S-sorry.” Paumanhin nya.

“ So much for that.” Nagsimula nang magsalita si Benjie.

Hiyang-hiya pa rin si Ria sa kanyang ginawa. Gusto nyang umalis mula sa kinauupuan pero pakiramdam nya ay napako na ang pwet nya. Humiling na lang sya na sana ay matunaw sya na parang kandila o mawala na lang na parang bula. Pero wala na syang magagawa kung hindi ay maghintay na matapos ang araw na ito. Pinakinggan na lang nya ang mga banal na salita na lumalabas sa bibig ni Benjie. Hindi nya namalayang napako na rin ang paningin nya sa tinuturing na kaaway. Pansamantala ay naging bingi si Ria sa kakatitig kay Benjie. May kung ano na lang kasi ang pumasok sa utak nya para panaginipan ng gising si Benjie na isa daw anghel na kumakanta habang umuulan ng bulaklak. Napaka-galing kasi nito sa pagsasalita. He spoke through the heart like a very eloquent leader. Ibang Benjie ang nakikita nya sa harapan. Hindi ito ang kilala nyang Benjie na parang walang pinag-aralan. Siguro hindi pa nya gaanong kilala ang binata o talagang nakatuon lang sya sa nakagisnang ugali nito. Hindi rin naman nya masisisi ang sarili dahil ang sama naman kasi ng turing sa kanya ng binata.

“ Apolinaria.” Tawag nito.

May ilang natawa nang marinig ang pangalan nya. Nagpalakpakan naman ang ilan. Nakatitig pa rin si Ria kay Benjie.

Nagising kaagad sya sa isang panaginip na tinuring na nyang masama matapos nga matauhan. Isang kurot nanaman kasi ang nakuha nya kay Joy na kanina pa nagpapapansin sa isa sa mga kasamahan ni Benjie .

“ What?” Gulat nyang usisa.

“ May you Lead the closing prayer?” Pabor nito.

Sumagot naman ng napipilitan na tango si Ria. Tumayo sya kaagad at pumunta sa gitna para magdasal. Nagsitayuan na rin ang lahat. May ilang nag-sign of the cross at may ilan namang wala.

“ Our father, who art in heaven-” Dasal pa nya. Dahan-dahang lumapit si Benjie sa likuran nya.

“Personal prayer, Mabini.” Bulong nito.

Natigilan sa pagdadasal si Ria. Binuksan nya ang kabilang mata para tingnan kung napansin ito ng lahat. Buti na lang at hindi. Mabilis kaagad nyang binago ang dasal.
Nagpaiwan silang dalawa ni Joy dahil gustong kausapin nito ang crush. Samantalang sya ay parang natatae na sa takot na baka kausapin sya ni Benjie. Pinilit nya ang kaibigan na madaliin ang paglalandi sa lalaki. Nang matapos ay hila-hila nya ito palabas. Ngunit nakasalubong nila sa pintuan si Benjie.

“ Kuya!” Bati ni Joy.

“ Uuwi na ba kayo ng kasama mo?” Usisa nito. Nakayukom naman ang mga kamay ni Ria para pigilan ang sarili na awayin ito.

“ Uuwi na nga kami.” Magaspang na sabat nya. Hinila nya si Joy palabas.

“ Sabay na ako sa inyo.” Kunot-noong lumingon si Ria sa kanya.

“ ‘Wag na Father, baka makasama pa sa iyo.” Tanggi nya.

“ Sus! Ihatid mo na ‘to kuya Benjamine.” Pagpupumilit ni Joy. Tinulak pa nito si Ria tungo sa kanya. Nakahanap tuloy ng lusot si Joy na makasama ang lalaking nilalandi kanina.

Sa unang pagkakataon ay magkasama ang dalawa na umuwi. Magaan ang pakiramdam ni Benjie at hindi man lang inasar nito ang kasamang dalaga. Pero si Ria ay pinipilit ang sarili na pagdudahan ito.

“ Alam mo hindi ako makapaniwala na maka-dyos ka pala kasi napakasama mong tao.” Sabi nya. Magkasabay silang naglalakad papasok ng Binagong Pangarap.

“ Hindi ah! Nakita mo na ba akong gumawa ng masama? Masama din ang mang-husga sa kapwa.”

“ Ano ba kasi ang plano mo sa akin? Bat ang bait mo ngayon?” Galit nyang usisa. Hindi man lang magawa ng dalawa na tingnan ang isa’t isa.

“ Ganito na ba talaga ako kasama sa iyo para pagdudahan mo?” Tanong nito.

“ Oo. Ako na lang kasi ang lagi mong nakikita. Ano ba ang meron sa akin? Sabihin mo nga.” Galit nyang usisa.

“ Wala naman.” Maikli nitong sagot.

“ Eh bat ka ganyan?”

“ Eh sa ikaw lang ang lagi kong nakikita.” Napatingin ito sa kanya na sya namang nagpatahimik kay Ria. Matagal din na na-magnet ang kanilang mga mata sa isa’t isa. Iniwas kaagad ni Ria ang paningin sa kanya.

“ W-Wala akong ginagawa sa’yo pero ikaw itong laging nang-aasar sa akin. Alam mo bang inaaway ako ni Miranda dahil din sa’yo? Yung starfish na lang kaya ang asarin mo? ” Namula ang kanyang pisngi.

“ Si Miranda? Takot ko lang kay Kapitan.” Natahimik silang dalawa. Ilang minuto din itong nagtagal hanggang sa wala ng salita ang lumabas sa bibig ng dalawa.

Kinabahan na si Benjie sa katahimikan nitong napansin. Parang nagbabadya ito na tamang panahon na para sa kanya. May nais na aminin sa dalaga si Benjie at ito na ang natatanging pagkakataon na masabi nya ang gustong sabihin. This is it. He would take the risk. Ipapasadyos na nya ang lahat. Bahala na rin si Batman sa kanya.

“ Ahmm........Ria?” Tawag nito. Ito ang unang beses na narinig ni Ria na tinawag sya ng binata sa kanyang pangalan. Tumama ulit ang paningin nila sa isa’t isa.

“ M-May a-aaminin ako sa i-iyo.” Huminga kaagad ito ng malalim.

Namumula pa ang pisngi ni Benjie. Napansin naman ito ni Ria na maging sya ay kinabahan sa balak nito. Somehow their feelings were both mutual. Nahulaan na ni Ria ang nais nitong sabihin. Ngunit natatakot sya na mali ang kanyang nadarama. Ayaw nya na isugal ang sarili dahil baka mali ang kanyang kutob at baka nang-aasar lang ito. Pero matagal na nya ito na hinihintay. Magtitiwala ba sya sa binatang ito na kailanman ay walang maganda na nagawa sa kanya?

Biglang may huminto na sasakyan sa harap nila. Nabitin tuloy ang pagnanais ni Benjie na aminin ang nadarama. It was the moment they both waiting for but it all turned nothing. Pinulbusan sila ng alikabok at pinausokan ng maitim na usok ng sasakyan. Bumukas ang nakasarang bintana ng kotse. Bumungad sa kanila ang mala-donyang babae. Tinitigan nito si Ria. Nagtaka naman ang dalawa sa ginawa nito.

“ Ria? Ikaw na ba yan?” Namamangha nitong bati. Nagtinginan ang dalawa sa isa’t isa. Hindi nila maintindihan ang nangyayari. Hindi nga rin kilala ito ni Ria.

“ Kilala nyo ho ako?” Nakaturo sya sa sarili.

“ Oo naman. Magkapit-bahay tayo dati.” Mabilis nitong sagot.

Hindi na nagugustuhan ni Benjie ang nangyayari. Parang nakalimutan na sya ni Ria. Kaya naman ay dumistansya na sya at walang sabi-sabi na umalis. Napansin ni Ria na umalis ito kaya hinayaan na lang nya. Naiinis ito sa pagkaunsyami ng pagkakataong binigay sa kanya ni Ria. Maghihintay nanaman ito kung kailan ulit manunumbalik ang lakas ng loob.

“ By the way, ako ang tita Marsha mo. Kami ang dating nakatira dyan sa harap ng bahay nyo. Kilala ko nga ang mga magulang mo, sina Melchora at Solomon Dulero. Kakambal mo pa nga si Andres eh.” Naniwala naman si Ria.

“ Bestfriend ko kaya ang nanay mong si Choray. Sa’n pala ang punta mo? Uuwi ka na?” Dag-dag nito.

“ Pauwi na po.” Sagot nya.

Magaan na ang loob nya sa babae. Pero ganito na ba talaga sya ka-hindi gaanong maganda para maalala pa ng dating kapit-bahay? Hindi ba talaga nagbago ang kanyang pagmumukha simula nang ipinanganak sya ng nanay nya?

“ Sabay ka na sa’min.” Sabi ng babae.

“ Ho?”

0 comments: