BLOGGER TEMPLATES AND Twitter Backgrounds »

Friday, August 21, 2009

VOTER’S REGISTRATION

Register Now Button Pictures, Images and Photos

Election na pala? Hindi ba sa susunod na taon pa yun? Pero bakit parang mga kabuteng nagsusulputan na ang mga iba’t ibang political ads sa tv? Ah! Ewan!
I never thought I’d be writing about this issue right here. kasi naman eh! Naisipan kong magsulat ukol sa bagay na ito nang makasabay ko sa motorsiklo ang anak ng isa sa mga assistants sa aming Baranggay. Just when I saw him right before my naked eyes, a memory of the past suddenly came alive. Parang mag ex? Ahahahahaha!
It was Saturday morning of march. Right before that day my mom told me about this satellite voter’s registration in our baranggay hall which is obviously brought by COMELEC and assisted by the baranggay officials. So, as early as 7, my mom forcedly woke me up, enough to awaken a sleeping dead. Talagang sapilitan! with some scolding, reprimanding and nagging touch of hers. Ahahahahha! 7 A.M is not usually my wake up time during that day. Atsaka may klase pa ako by 12. (P.E) I really don’t want to go because I already made a deal with my groupmates in P.E that we’ll be practicing for our dance steps by 8. I assumed that the registration would not take an hour. I heard from my neighbor that it would take long-long-long hours before they finally proclaim you as a certified voter. Nagdalawang isip ako tuloy na pumunta. Pero si mama ay parang gutom na leon na nakaabang sa akin. So what I did? I wore my P.E uniform and went to baranggay hall. I don’t know why I did it so, just out of the blue I decided to drop myself sa lugar na ‘yon. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakikipagsik-sikan sa mga maraming tao para makakuha ng priority number, syempre kasama si mama.
After all, it’s for my own good. Everyone is obliged to register and vote. Kailangan ko ring magpa-rehistro dahil may responsibilidad ako bilang isa sa mga scholars ng isang congressman. I have to register for him to win in this upcoming election. Ang dami kaya nyang scholar! About half of the population in school is his scholars. Hindi pa kasali dyan ang mga scholar nya sa ibang private schools. Kailangan namin syang iboto upang makapag-aral pa kami. Sino na lang ang magsusustento ng tuitions namin kapag wala na sya? Hindi naman kami sigurado kung tutulongan din ba kami ng papalit sa kanya. Actually his contender this coming election is more powerful than him and well-loved by his people. So, I’m afraid he won’t win it.
Anyway, balik tayo sa orihinal na kwento. Ang nakuha kong priority number ay between 100-200, hindi ko na maalala sa dami ng nangyari kasi. Habang tumatakbo ang oras ay mas lalong nadaragdagan ang mga taong gustong mag-paregister. Lalo tuloy uminit, umingay, at sumikip. Halos hindi mo na marinig ang nagtatawag ng priority number mo. Nahulaan ko na rin na hindi ko na maaabutan ang mga kaklase ko so nagpatuloy na lang ako. By 11, my number was called. Imagine! I waited for four hours just for what? To fill up a registration form. Maghihintay na naman ako ng apat na oras para matawag ang registration form ko for picture taking at verification. Noong nakapasok ako sa loob ng baranggay hall ay kitang-kita ko kung gaano pa ka kapal ang mga registration forms na hindi pa natatawag. Unti-unti na rin akong nawawalan ng pag-asa. Ang dami pa kasing tao eh. At saka nag-dedide na si mama na umuwi since tapos na nyang natulungan ang kanyang mga kumare. Tingan mo nga naman! Basta-basta na lang akong iniwan at ipinagkatiwala sa mga amigas nya. Gusto ko na ring pumunta sa school dahil wala na nga akong mapapala at nagugutom na din ako. Pero kung hahayaan ko lang na matawag ang pangalan ko tapos wala ako ay para na ring pinakawalan ko ang pagkakatao na manalo sa lotto. Mas grabe daw kasi ang kapal ng tao kung sa main office magpaparehistro at napakahaba daw ng ‘MGA’ pila doon. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Wala! Wala talaga akong ideya kung ano na ang mangyayari sa akin. Nagmumukha na akong tanga dun. Nanga-ngamoy araw na ako at parang kakatapos ko lang mag-P.E. Buti na lang at naawa nga sa akin ang mga friendships ni mama. Tinulungan nila akong makapasok sa loob at humingi na pabor sa mga opisyales doon. Nakiusap sila sa kapitan namin at hindi naman nya kami binigo. So pinauna ako habang kumakain pa yung iba ng tanghalian. Sobrang saya ko talaga nang sa wakas ay nakaupo na din ako sa harap ng camera. Totoo ngang haggard na haggard ang pagmumukha mo kapag lilitratuhan ka na. Sa init, sikip, baho at gulo sa labas ay may panahon ka pa kaya na ayusin ang mukha mo? (kung may maaayos pa?) Bahala na! ngiti kung ngiti sa kamera. Pumirma ka na sa mga dapat pipirmihan at ilapat mo na maging ang mga daliri mo sa paa (sa mga computer generated finger markers ata ang tawag sa mga makinang nakaharap sa akin doon) para matapos lang ang nakakapanghapong registration na ito. Ang kaso, hindi ako nakangiti ng maigi at naging excited sa mga dapat kung gawin dahil sa matabang babae na kinaiinisan ko. Ikaw ba naman ang okrayin matapos ng lahat ng pinagdaanan mo sa labas. Napaka insensitive talaga! Akala nya ay hindi ko narinig ang mala-bulong daw nyang pagsagot sa mga kasama nya. Buti sana kung hangin-hanginan yung sinabi nya, yung pangpapataas moral kahit di naman totoo. Ang nakakainis ay nanukso pa ang lumba-lumba!
Tinanong kasi sya ng kanyang mga katabi kong anak ba nya ako. Akala siguro nila ay anak ako ni MATABA dahil ang anak nito ay nag-aaral din sa parehong paaralan na pinapasukan ko. Hello! Nakakainis na rin kaya yung tanong nila. Hindi kasing tabachuy nya ang mama ko no! Sumagot naman ang mataba nang ganito;

Mataba: HINDI AH! MAS GWAPO PA DYAN ANG ANAK KO NOH! EXCUSE ME!
Narrator: At nagtawanan silang magkakatabi na parang hindi ko narinig ang kanilang masayang kwentuhan.

Ang sarap-sarap ihambalos sa pagmumukha nya ang inuupuan ko. I-compare ba ako sa anak nya? Hindi kaya gwapo ang anak nya. May itsura lang! ahahahaha! Palagay ko nagmana ang anak nya sa kanyang asawa.
Pagkatapos, dahil mabait akong tao, pinasalamatan ko pa rin sila, silang lahat maging ang matabang yun. Lumabas ako kaagad at pinasalamatan din yung mga friendsters ni mama at nagpaalam sa kanila. Pumunta kaagad ako sa school.

Kaya kailangan bantayan at ingatan ang ating boto ay hindi lang naman dahil dito nakasalalay ang kinabukasan nating lahat, pero dahil buong paghihirap ang ginugol ng bawat isa sa atin upang magka-boto at iboto ang nararapat na lider. Hindi madali ang pumila ng pagkahaba-haba at makipagsik-sikan sa pagkarami-raming tao sa ilalim ng mainit na araw para lamang makaboto. Kung tutuosin sa dumi ng eleksyon dito sa atin ay hindi na dapat pinag-aaksayahan ito ng panahon at pagod. Ngunit dahil nais natin ng pagbabago ay nagtitiis tayo.

Ang sa akin lang, bumuto po tayo ayon sa ating prinsipyo at konsensya, alalahanin ang hirap na pinagdaanan ng bawat isa sa atin bago tayo nabigyan ng pagkakataon at freedom na makaboto.

May kanya-kanya man tayong dahilan kung bakit tayo bumubuto at bakit pinaglalaban natin ang ating mga boto subalit iisa lang ang nais nating makamtan at yun ay pagbabago. At makakamit lang natin ito kung sisimulan natin syempre sa pagpaparehistro.

Nakapag-parehistro ka na ba?

Kung hindi pa, may oras pa!

KUMILOS KA NA! NOW NA!

0 comments: