BLOGGER TEMPLATES AND Twitter Backgrounds »

Friday, August 21, 2009

Torpedo

ahahahaha! i am a certified writer na! this is my creation, so please hope you like it guys as much as i do(syempre own work ko eh!)

Chapter One: ‘Di na lang sana sumali.

Naka-ugalian na ng mga taga-Barangay Binagong Pangarap na magkaroon ng beauty contest every fiesta celebration. At ngayong gabi, naka-abang ang lahat sa plaza para sa naturang programa. Jump-packed ang buong plaza ng mga taga-Binagong Pangarap na nagch-cheer sa kanilang mga manok. Kasali sa patimpalak si Ria. Isa sya sa mga hopefuls ng Ms. Binagong Pangarap 2003. First time nya na sumali sa ganitong prestigious competition. Kaya naman ay todo ang suporta sa kanya ng buong pamilya na siyang pumilit sa kanya na sumali. Katakot-takot na panghihikayat ang nakuha nya mula sa mga ito para lang makuha ang kanyang matamis na ‘oo’. Kung baga, kung di sya madaan sa santong dasalan ay dadaanin sya sa santong paspasan.
Isa-isa nang naglabasan ang mga kandidata para irampa ang suot na bikini. Dumako na kasi ang contest sa swim wear competiton na pinaka-aabangan ng mga lasenggong naroon at ng mga kabataang lalaki. Hiyawan at sigawan na ang lahat habang tinatawag ang pangalan ng kanilang pambato. Kabado man ay taas noong lumabas si Ria na bit-bit ang isang recycle na bag made of juice tetra packs. Pinagmamalaki kasi ito ng kanilang Baranggay at napanalunan lang naman ng Binagong Pangarap ang Most Earth-friendly Baranggay Award sa paggamit ng mga bag na ito. Dapat kasi na bit-bitin ng mga contestant ang bag habang rumarampa ng halos hubad. Pinilit ni Ria na hindi huminga para magmukha na walang bil-bil ang kanyang nakatambad na tyan. Tanging nagpalakpakan lang ay ang kakaunting supporter nya. Hinagilap nya among the audience ang kanyang pamilya. Nakita nya sa may dulo ang nanay nya na karay-karay ang tatay nyang lasing. Nakangiti pa rin ito kahit nabibigatan na sa asawa. Nasa gitna naman ang kakambal nyang si Andres na malapit lang kina Benjie. Nakabantay kasi ito sa maaaring gulo na gawin ng grupo ni Benjie. Nasa harapan naman ang kaibigan nyang bakla na si Bona at kapatid na si Ninoy.
She was about to turn when she slipped off her feet and crashed down on stage. Nanlaki ang mata ng mga taga-suporta nya sa takot. Samantala ang buong bayan ay parang nakapanood ng comedy show. Hagalpakan ang sambayanan sa nasaksihan. Hindi naman mapinta ang mukha ni Ria sa sakit. Nakahiga pa rin ito sa stage at hindi kayang tumayo. Biglang nasuka ang tatay nya sa kalasingan nang makita ang kanyang pagbagsak. Hindi naka-react si Benjie sa nangyari kahit nagtawanan na ang grupo nito.
Patuloy pa rin sa pag-i-instruct sa kanya si Bona. Kaagad nyang nginitian ang mga hurado at nag-pose kahit nakahiga. Dahil sa pangyayaring ito ay hanggang top ten lang ang inabot nya. Hindi na sya nakasama sa question and answer portion. Naniniwala rin sya na hindi para sa kanya ang ganoong contest. Sa dami ng magagandang kasali ay swerte lang nya kung makapasok sya sa top five.
Kasama nya palabas ng plaza si Bona habang kapwa may dalang bag. Naging personal alalay nya tuloy ang kababata nyang bakla na maagang nagladlad at the age of six. Masakit pa rin ang likod at pwet nya sa nangyari. Mukha pa ngang nagka-pasa sya sa mga parteng nabanggit. Gusto na nyang magpahinga kaagad kaya hindi na lang sya sumama sa ibang kandidata para sa pictorial at sayawan sa malawak na bahay ng baranggay captain. May sabi-sabi na ginamit nito ang pera ng baranggay para makatayo ng isang magara at malaking bahay.
Sinalubong sila ni Benjie. Ang matalik nyang kaaway. Lagi na lang kasi na nang-aasar ito sa kanya araw-araw at walang palya. Pwera na lang kung andyan ang kakambal nya. Takot kasi ito kay Andres. Kilalang siga ang pamilya ni Ria. Sino ba naman kasi ang hindi magtataka? Ang tatay nya ay lasenggo (paminsan-minsan daw) at laging pasimuno ng gulo, si Andres na ipinangalan pa naman sa bayaning si Bonifacio ay leader ng gang at lasenggo din at ang tito Ricky nya na nakikitira lang ay kilala namang ex-convict. Nakapatay ito ng taong pinagkamalang magnanakaw. Klaro naman na napakabanal ng kanilang pamilya.

“ Oy! Ms. Dulas, kumusta?” Bati nito kay Ria. Dala-dala pa nito ang mga barkada na nakaabang lang sa likuran.

“ Hi! Papa Benj.” Bati naman ni Bona. Umakmang susuntokin ito ng isa sa mga kabarkada ni Benjie. Mabuti na lang at umawat ang binata at mabilis na nakatago si Bona sa likod ni Ria.

“ Ano nanaman ba Benjie?” Inis nyang usisa.

“ Alam mo Mabini, yan ang napapala mo sa kakasali ng beauty contest.” Tumawa ito.

“ Eh, Anong paki mo? Pwede ba ‘wag ngayon Benjie. Kahit ngayong gabi lang tantanan mo muna ako, utang na loob. kung pwede lang, please!” Galit nyang pakiusap.

“ O sige, pero” Iniharap nito sa pagmumukha ni Ria ang bit-bit na kahoy na may jebs ng kung sino o ano sa dulo. Ginawa nitong mikropono ang nakakadiring bagay. “ ano ang masasabi mo sa iyong pagdulas kanina?” Natatawang tanong nito. Mabilis na tinulak ni Ria palayo si Benjie at tinapon ang kahoy palayo.

“ Bastos! Bastos ka talaga. Kadiri mo! Bwisit ka talaga!” Pinagtawanan lang sya ni Benjie .

Nahinto sa kakatawa ang mga ito nang mapansin nilang papalapit si Miranda, ang half-human, half-starfish ng Binagong Pangarap. Nakamit lang naman nito ang title crown na hindi lubos maisip nila kung bakit.

“ Pare, andyan na stalker mo.” Natatawang balita ng barkada ni Benjie.

Matagal nang gusto ni Miranda ang binata kaso hindi sya ang tipo nito. Ayaw na ayaw ni Benjie sa mga malalandi.

“ Alis na tayo.” Nagsitakbohan kaagad silang lahat.

Nagtaka naman ang magkaibigan nang kumaripas ang mga ito palayo. Para bang may nakita silang multo. At sobra pa nga sa multo ang dumating. Kahit nagkandahirap-hirap na si Miranda sa suot nitong gown, nakasabit na sash, nakapatong na korona, at bit-bit na bulaklak ay mabilis pa rin itong nakatakbo upang habulin si Benjie. Ngunit malayo na ang mga ito para sundan pa. Nabunggo tuloy nito si Ria sa kakasunod sa kanila.

“ Ano ba? Haharang-harang kasi.” Himutok ni Miranda. Napatingin sa kanya ang dalawa.

Isa nanamang Benjie. Bulong ni Ria sa sarili.

Bukod kasi kay Benjie ay inaapi rin sya ng babaeng ito. Well, insecure lang naman ito sa kanya dahil lagi na lang lumalapit kay Ria ang crush na crush nitong si Benjie. Para kay Miranda ay sagabal sya sa pag-iibigan nilang dalawa. Kung pwede nga lang na isalansak nya si Benjie sa bunga-nga nito para maisip ni Miranda na hindi nya gusto ang binata.

“ O! Ang babaeng nag-comedy show sa stage. Kumusta naman yun?” Maldita nitong usisa.

Kung matalas ang pagkakatitig nito sa kanila ay matalim naman ang sa dalawa---ang kanilang mga kuko para sabunutan ito.

“ Heto, napasaya ko ang Binagong Pangarap. Ikaw napasaya mo ba sila o napaduda?”

“ Oo-“

Sumingit si Bona. “ English please.” Taas kilay nitong pabor.

“ Whatever! Hindi ko kailangang magpaliwanag sa inyo.” Palusot nito.

“ Do you think you deserved your crown when even speaking straight english takes you so much time?” Mataray nyang pag-e-english sa kausap.

May bulong-bulongan na lutong Macau ang nangyari sa pageant. Puro mukha at katawan lang kasi ang meron kay Miranda. Ka-conivance daw ng buong pamilya ni Miranda ang organizers ng nasabing event dahil kaisa-isang anak lang naman sya ng kagalang-galang na Kapitan ng Binagong Pangarap.

“ Anong ibig mong sabihin bobo ako?” Nanggagalaiti nitong tanong.

“ Ikaw ang may sabi nyan girl.” Pag-sang-ayon naman ni Bona.

“ Shut up! Insecure lang kayo.” Tinanggal nito ang korona sa ulo. ” Gusto mo ‘tong korona ko? O sa‘yo na. Para naman kahit minsan ay may maipagmalaki ka sa iyong kapangitan.” Inabot nito ang bagay.

“ Hoy! Babaeng starfish. Hindi na nya kailangan yan dahil marami si Ria nyan.” Nagulat si Ria sa pinagmalaki ng kasama.

Kailanman ay hindi sya nagkaroon ng titulo, award o sash galing sa paligsahan ng mga magagandang walang utak.

“ Huhulaan ko. Ms. Halloween o Binibining kaluluwa?” Tumawa ito.

“ Hindi. Little Miss Binagong Pangarap 1992.” Pagtatama naman ni Bona.

“ Tara na nga, Bona. ‘Wag mong sayangin ang malaki mong utak sa ga-butil nyang utak.”

“ You Bitch!” Mabilis na hinablot nito ang buhok ni Ria.

Hindi rin naman nya napigilang hilahin ang buhok nito. Hanggang sa simpleng naghilahan sila ng mga buhok, kalmutan at sapakan. Naging referee si Bona na panakaw na kinukurot si Miranda sa singit at hinihila ang buhok nito na parang nagbubunot lang sya ng damo. Nagkagulo ang mga dumaraan. Nagpustuhan kaagad ang mga sugarol na para bang Paquiao-Marquez battle ang pinapanood.

Puno ng kalmot ang katawan at magulo pa ang buhok nya nang umuwi sa bahay. Sarado na ang pagmamay-ari nilang Karenderia pero may kumakanta pa rin sa kanilang Videoke machine. Minsan nga naba-baranggay sila sa mga customer na ayaw mag-pawat sa pagkanta. Pakiramdam ng mga ito ay mala-diva ang mga boses na makabasag tenga naman sa sama. Naabutan nyang nakatihaya ang tito Ricky nya sa kalasingan habang kumakanta ng wala sa tono at lyrics ng Lupang Hinirang. Abala naman ang nanay nya sa kusina. Nasa upuan lang ang tatay nya na himalang hindi pa bumabagsak sa kalasingan. Nagmano sya kay Mang Solomon.

“ Ok lang anak, ok lang yan. Marami pang contest dyan.” Hindi nya maintindihan ang sinabi nito. Ngumiti lang si Ria sa ama at nagpatuloy sa kusina.

“ Apolinaria, ang galing mo pa lang tumambling, ikaw dapat ang best in talent.” Pahabol naman ng tito Ricky nya. Mas hindi maintindihan ang sinabi nito.

“ Ang sabihin nyo po most embarassing.” Tugon nya kay Ricky.

Nakasalubong nya si Aling Choray papasok ng kusina. Bahagya pa na nagulat ito sa itsura nya. Nagmano naman sya kaagad at uminom ng malamig na tubig.

“ Embarassing? Ang ganda kaya ng ginawa mo.” Lumapit ito sa asawa at tinanggal ang suot na basang sando nito.

“ Sabi ko naman sa inyo diba, mapapahiya lang ako.” Nakasimangot sya.

“ Mabuti nga yun para kumapal yang mukha mo. Para magkaroon ka naman ng confidence sa iyong sarili.” Pinunasan na nito ang katawan ng asawa.

“ Hay naku nay, registration pa lang, kumapal na ang mukha ko. Pangalan ko pa nga lang hindi na maganda.”

Nakagawian na ng mag-asawa na pangalanan ang mga anak nila kasunod ng mga taong nasa pera. Ang paniwala kasi nila ay swerte sa pera ang pagpapangalan ng ganito sa mga anak. Ang pangalan nina Andres at Ria ay galing sa lumang ten–piso bill kung saan makikita sina Andres Bonifacio at Apolinario Mabini. Samantala si Ninoy naman ay sa five hundred-peso bill.

“ Ano naman ang masama dun, Ria? Para sa akin ikaw ang pinaka-“ Sa wakas na-knock-out na rin ito.

Isang malakas na hilik na ang sumunod na lumabas sa bibig ni Mang Solomon. Daig pa ni Ricky ang kuala bear sa lalim ng pagkakatulog nito habang nakakapit sa sandalan ng sofa.

“ Kita nyo na, pati si tatay hindi masabi na maganda ako, dahil alam ni tatay na hindi ito totoo. Ikaw nay, sabihin mo sa akin, maganda po ba talaga ako?” Hamon nya. Hindi umimik si Aling Choray.

“ Sige ganito, hindi po ba ako maganda?” Ulit nya.

Wala pa ring sagot mula sa kanyang ina. Umarte itong bingi at abala sa kakapunas sa asawa.

“ Pangit ba ako?” Deretsahan nyang tanong.

“ H-hindi ah! Ano ka anak, kakaiba, nag-iisa, katangi-tangi, di-karaniwan, pambihira, unique.” Sagot naman nito. Hindi nya makuhang ngumiti sa mga pang-uring isa-isang nilarawan ni Aling Choray.

“ Nay, exotic ang kagandahan ni Ate.” Sabat ni Ninoy na abala sa pagbibilang ng pera na napanalunan sa mga palaro sa perya.

“ Oo, yun Ria, Toxic.” Pag-sang-ayon naman nito.

“ Exotic nay.” Pagtatama ni Ninoy.

“ So mukha akong isaw, adidas at betamax?” Tugon nya sa dalawa.

“ Hindi Ria, kumbaga tulad ka ng isang sing-sing na gawa sa pwet ng baso.” Bawi naman ng nanay nya.

“ Pareho lang yun.” Bumuntong-hininga na lang sya.

Umalingaw-ngaw sa ilalim ng gabi ang ingay na hatid ng kasiyahan sa bahay ng Baranggay Captain. Madilim na ang buong bahay nila at ang malakas na hilik na lang ng tito Ricky nya ang bumabasag sa katahimikan. Nakapagpahinga na sa wakas si Ria matapos ang mahabang paghahanda sa walang katuturang pageant. Puno pa ng Salon pas ang kanyang likuran na nakakaginhawa naman talaga. Bigla syang nagising nang madinig ang malakas na kalabog mula sa kabilang kwarto. Pinakiramdaman muna nya ang paligid. Bumulong sa kanya ang nakikiliting ungol ni Aling Choray. Gumagawa nanaman ng milagro ang mga magulang nya. Naramdaman din nya ang paggalaw ng sahig. Napailing na lang sya. Mas nadinig nya ang ingay ng grupo ni Benjie na nag-iinuman habang nag-gi-gitara sa tabing bahay kaysa sa kilitian ng kanyang mga magulang. Bumangon sya mula sa pagkakahiga at bahagyang binuksan ang bintana para silipin ang mga ito. Nakita nya si Benjie na nag-gi-gitara. Napatitig sya kay Benjie ngunit mabilis naman na pumasok sa isipan nya ang kasamaan nito. Sinara nya kaagad ang bintana at bumalik sa pagkakatulog. Tumingala naman si Benjie sa bintana ng silid ni Ria. Binigyan na lang nito ang piping bintana ng ngiti.

next time na ang continuation isip pa ako ;) hehehehe

0 comments: